Pages

Thursday, September 25, 2025

Second Scam Experience

On September 14, 2025 nag filed ako ng unauthorized transaction sa credit card ko sa Metrobank hotline. I've been scammed by this SEMRUSH and I search it on google and may lumabas na result na it's an AI-powered company like. The transaction happened on September 10. 

On September 9 na open ko pa yung Metrobank app ko then nung September 10 nag lo-loading lang yung app so hinayaan ko kase madalas naman nangyayari yun. 

On September 13, I opened my Metrobank app again and viola okay na siya pero yung naka display lang sa dashboard ko is yung passbook and debit card ko lang. Wala yung sa credit card and again hinayaan ko lang kase mostly nga ganyan yung app so di ko pa napansin yung scam na nangyari. 

Nung September 14, I need to open my Metrobank app kase need kong mag bank transfer and I thought namamalikmata lang ako kase bagong gising pa ko nun so I keep opening and closing my eyes to make sure na tama yung nakikita ko and yes yung 59k na available credit limit ko naging negative 27k na lang siya. 

Di ko alam gagawin ko that time. Mukha na kong tanga kase I keep refreshing my dashboard to make sure na yun na talaga yun 😂 nung sumuko na ako kaka-refresh bigla naman pumasok sa isip ko yung mga unauthorized transactions na nababasa ko online na di na daw nababalik or aabutin pa ata ng isang taon bago matapos ang dispute ganun. 

Naisip ko langya saan ako hahanap ng 58k pangbayad sa isang bagay na di naman ako yung gumamit. Matapos kong i-organized yung self ko tumawag na ako sa Metrobank bank hotline at nag ka problema pa nga. Yung telephone di gumagana 😭 ewan ko, siguro dahil di namin ginagamit kaya di siya gumagana na. Toot-toot-toot lang siya ng toot-toot-toot. Buti na lang noong nag message ako sa PLDT kinabukasan dumating agad sila at inayos yung linya ng telephone namin. 

So balik sa main problem ko. Tumawag ako and nereport yung unauthorized transaction. Ang sabi need nilang i-block yung card to avoid more unauthorized transactions so gora block it. During the call they ask me about common questions about my credit card na syempre sinagot ko. Inexplain na nila yung tungkol sa dispute and kinakabahan parin ako kasi paano kong sa investigation nila ako talaga ang may kasalanan kahit di ko naman alam kong ano yang pesteng SEMRUSH na yan. 

They told me na the investigation will be 40 to 130 days daw and follow up for 50 days. Juskopo ang tagal ng hihintayin ko. Buti na lang weeks lang pala yung hihintayin ko. 

After my complaint everyday sila nag bibigay ng updates sa dispute ko and nung September 19, ang na receive ko na email is "Our investigation has shown that there was a duplicate credit for your disputed transaction posted on your account due to the permanent refund processed by the merchant and the temporary credit adjustment we previously issued. Hence, we have reversed the temporary credit adjustment for your disputed transaction. Your dispute request is considered resolved and closed." this. 

Yung sa hulihang sentence lang ata yung nag sink in sa utak ko. 

Resolved and Closed. 

So yun na yun? Tapos na? Sure ba talaga? 

I mean syempre dapat thankful ako kase resolved and closed na daw refunded pa pero syempre pumasok ulit sa isip ko yung mga ganitong issues na mostly di naman na reresolve agad. 

To make sure the claim tumawag ako sa Metrobank hotline ulit and ang sabi nila to make sure on their part din daw follow up for 3 days daw. Bago pa patayin yung tawag nagtanong muna ako sa cust service rep if paano ko ma mi-make sure na refunded na talaga yung pera or lahat ba talaga ni refund or baka di lahat. To see is to believe ika nga nila. So sabi nung cust rep ii-email na lang daw nila yung unofficial bill ko for next month. 

Dumating na lang yung new credit card ko di ko pa rin natatanggap yung email na pangako nung cust rep 😤😭 kaya 6 days akong hibang kakaisip kong magkano yung ni refund or sana man lang ni refund talaga lahat. Plssss 🙏. At dahil hanggang ngayon, September 25, di pa rin dumadating yung email, sa history transaction nung new credit card ko na lang chineck and thank you Allah refunded lahat 😭🙏 I mean not totally lahat kase yung unauthorized transaction is as follows: 18,560.65/6,422.51/33,179.14 tapos yung nabalik lang is 18,317.10/6,338.24/32,743.78. 

Kulang ng 763.18. Saan napunta? Siguro payment fee nung scam 😂 

Pero thankful talaga ako kase nabalik yung pera. Makakatulog na ako ng maayos. Thankful din ako kase mabilis inasikaso nung Metrobank credit card yung problema ko. Siguro nadalian lang sila kase one way trace lang yung scam?

Like di kase ako mahilig mag open ng links. Kahit link pa yan na bigay ng Metrobank di ko talaga ino-open. Mahirap na baka phishing messages pa yun. Kahit sabihin pang nanalo ako ng 1 million di ko talaga pipindutin yun. Mostly likely pupunta ako mismo sa Metrobank to claim the prize 😂 At di din ako mahilig mag scroll sa ibat-ibang websites lalo na yung madaming ads na bigla na lang lalabas sa screen mo. Of course yung OTP and personal information di na din. Natuto na ako dun sa Eastwest scam na nangyari sakin. 

So yun! Kaya siguro mabilis lang natapos yung akin kase siguro nakita ng investigation team na wala as in wala talagang tsanya na ako yung may kasalanan. So dito na nagtatapos ang aking second scam experience and I hope, no, I wish last na talaga to. Ayoko nang mangyari ulit pleassseee 🙏🙏🙏

No comments:

Post a Comment